Miyerkules, Abril 22, 2015

uri ng transportasyon sa pilipinas

Iba’t ibang uri ng sasakyan sa Pilipinas.

Ito ang ilang mga sasakyan na talagang Pilipino ang may gawa. Mga sasakyang kakaiba, at ‘yung iba naman ay pamilyar na tayo sa kanila.
  • Jeepney -
    Dito kinuha ang litratoIsang sasakyang pang depensa noon ng US, pero nakaisip ng isang magandang paraan ang mga pilipino. Pinahaba ito, nilagyan ng mahabang upuan sa magkabila na kayang magsakay ng 8-12 katao kada hilera ng upuan. Nabasa ko sa libro ni bob ong na 'yung mga kabayo daw sa hood ng jeep ay sumisimbolo na tapos na ang panahon ng kalesa. May mga na debelop na rin at in-upgrade ng jeep at may aircon na ngayon. May electric jeepney na rin. Pero hindi mawawala ang mga original na jeep tulad nito.
  • Tricycle - Dito kinuha ang litratoPagkababa mo ng jeep, maghahanap ka na ng susunod mong sasakyan. Babalandra sa'yo ang isang napakahabang hilera ng mga tricycle. Pwede kang backride o sa loob ka. Maaaring magkasya ang 5 katao. Pero kung mapilit o di kaya'y maraming prends si manong drayber ay may aakas pa sa likod kaya 7 ang pwedeng magkasya.
  • Habal-habal -
    Dito kinuha ang litrato
    Pagdating mo sa mga probinsya ay makipot ang mga daan. Wala pang mga kalsada. Ang karamay mo at ang maaari mong transportasyon ay ang tinatawag na habal-habal. Isang Motor na nagsasakay ng higit sa tatlo, may mahabang kahoy sa magkabilang gilid para maupuan ng mga tao. Henyo 'to ang nakaisip nito.
  • Pedicab -
    Dito kinuha ang litrato
    Kapag nasa isang lugar ka naman na pinahahalagahan o binibigyang pansin ang kalikasan sa lugar nila, ito ang mga madalas na makikita mong bumabyahe at umiikot sa lansangan. Nasa 3 katao ang pwedeng ilulan ng isang pedicad. Kung may 4 kayo pwede naman sa may pintuan tumayo ang isa kapit nalang sa bubong.
  • Kuliglig -
    Dito kinuha ang litrato
    Ito ang tinatawag na kuliglig. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'to. Pero ipinagbawal ito na umandar at umikot sa kalansangan ng metro manila, dahil na rin yata sa kemikal na inilalabas nito. Maingay pa din ata 'to.
Ilan lamang ito sa mga tatak ng pilipino pag dating sa usaping transportasyon. Masarap maglagalag, pero alamin din ang mga sasakyan na nakakatulong para mas mapabilis ito. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento